Friday, November 6, 2009

A Week Of Nonsense

Ang mga nanyari.

November 3 - Tuesday
  • Hay nako pasok nanaman.
  • Nag lagay ako ng Rockband Unplugged sa psp ko.

November 4 - Wednesday
  • 17th ni Inna babe.
  • Hay salamat petiks day, yes! [Sabay nakalimutan na Rover pala]
  • Enjoy naman ang Drafting class. Sinabi ko kay maa'am na di ko dinedeserve ang grades ko ngayon. Alam mo kung bakit? Slack-off kasi ako ngayon.
  • Naglagay nanaman ng Rockband sa psp. Hindi ako natulog.

November 5 - Thursday
  • Long test sa Math.
  • Practice sa church.

November 6 - Friday
Isa pang petiks day.
  • Bumagsak(hindi naman masyado) sa Math dahil sa careless-ness ko. Kung hindi ako careless, perfect sana ako. Oo, masarap akong sakalin.
  • Drafting day kaya medyo napasaya ako.
  • Nabuwisit sa mga taong nangungulit sakin para sa impormasyon tungkol sa kuya ng boyfriend ko kasi gwapo daw lalo na daw yung sideburns kasi hot. [Kung gusto niyo, kaibiganin niyo, at hindi ko din naman siya kilala.] Hay nako, mga babae nga naman.
  • May kinuwento sa akin ang kaibigan ko at sobrang na istorbo ako. Isusulat ko mamaya, pagkatapos ko isulat ito.
  • Career orientation ng PWU. Uh, okay lang, pero, pinag-iisipan ko pa.
  • Pag uwi ko ay nakausap ko si Mark, at tinuruan niya ako kung pano hindi ma delete ang mga games sa psp(mahabang storya). Nang nalaman ko na, na delete ko pala ang Rockband file. Oo ka nalang.
  • Gumawa ako ng LJ. Hindi ko alam kung bakit. Bahala na.

-----------------------------------------------------------------

  • Bukas naman, may practice nanaman. Hay nako, isa pang nakakabuwisit yan! Ang mga tao sa praise and worship team(hindi lahat) ay inconsiderate. Nagmadali kami pauntang simbahan ng 4 pm at nakapag away pa dahil malelate na, ngunit, pagdating namin, wala pang tao. At Isa pa, late sinasabi ang line-up! Kaya wala silang karapatan mairita pag practice!

Mayroon nga rin pala kaming practice para sa pagtanghal namin sa English Night sa December 4. Nasa props ako at sa music. Oo, pinipilit ko lang sarili ko.

Ayun lang. MAINIT ANG ULO KO NGAYON KASI WALANG ROCKBAND! KUNG MERON KA IBIGAY MO SAKIN!

No comments:

Post a Comment